Banal na Katahimikan
(para sa linggo ng palaspas)
Noong nakaraang Linggo, nagpunta ako sa Baguio upang samahan ang ilang mag-aaral sa kanilang pagreretiro. Kakaiba ang retirong ito sapagkat ito ay ginagawa ng tahimik. "Silent Retreat" ika nga, karamihan kasi sa atin ngayon ay hindi sanay sa katahimikan, o ayaw ng tahimik. Ngunit kakaiba rin ang karansan sa gitna ng katahimikan.
Ngayon mga kapatid, pumapasok tayo sa Semana Santa, ang pinaka banal na panahon ng simbahan. Sa ating mga pagbasa ngayon ito ay patungkol sa pagpasok ni Hesus sa Jerusalem kung saan ang mga tao ay nagsisigawan “ Hossanna! Pagpalain ang dumarating sa pangalan ng Pagninoon!” Pinupuri nila at pinangangaralan si Hesus. At sa ating Ebanghelyo ngayon kung saan matatagpuan natin ang papakasakit ng ating Panginoon, ang mga tao’y sumisigaw ng “ipako siya sa krus!”. Sa dalawang kwento may isang bagay na kapansin-pansin – sa gitna ng mga kaguluhan ng mga tao ay nanatiling tahimik si Hesus.
Sa pagpasok ni Hesus sa Jerusalem, hinahangaan nila si Hesus, sa kanyang pagpapagaling sa mga may sakit, pagpapahayag, pagpapalayas sa demonyo at pagbuhay sa mga namatay na. Pero sila rin ang mga tao na sumisigaw ng “ipako siya sa krus!” Tinalikuran siya, nilibak at hinamon na bumaba siya sa krus.
Sa parehong tagpo, ay naging maingay ang tao. Matindi ang mga lumabas sa kanilang damdamin – kasiyahan at pagtanggap , poot at pagdududa. Pero sa gitna ng mga pangyayaring ito, nanatiling tahimik si Hesus. Ang katahimikang ito ni Hesus ay hindi nangangahulugan ng takot o kahinaan. Sa katunayan pa nito, ang kanayang katahimikan ay higit na naririnig kaysa mga ingay ng mga tao. Sa kanyang katahimikan, ay taglay ang kanayang kabanalan, at kabutihan na sumisikat ng lubos. Ang kanyang katahimikan ay naging lakas niya at rurok ng kanyang tapang upang harapin ang kamatayan para matupad ang kalooban ng Ama. Ito ang banal na katahimikan ng Diyos. Sa kanyang katahimikan, naroon ang mapangligtas na pag-ibig ng Diyos na isinisigaw para marinig ng lahat.
Mga kapatid, ang Linggong ito at ang mga susunod pang mga araw ay nag-aanyaya sa atin para sa katahimikan. Karamihan sa atin ngayon marahil ay nasa bakasyon na… tila nakaka-inganyong magliwaliw, mamasyal, pumunta sa beach, magsaya o para sa iba, mag-ingay naman. Sa halip, tayo ay inaanyayahang huminahon, huminto, magpakalumanay, mangilin, mag-ayuno, at higit sa lahat magnilay-nilay at manalangin.
Ang Linggo ng Palaspas at ang Semana Santa ay naangkop na panahon sa isang taon na kung saan pakinggan naman natin si Hesus. Ang mensaheng hatid niya sa atin, kung ano ang nararapat nating gawin sa ating buhay. Hindi natin maririnig ang kanyang mensahe sa ingay. Oo mga kapatid, sa katahimikan may ilang bagay tayo na matatagpuan… at harinawang iyon naman ang magbigay ng sagot sa pinakamalalalim nating mga katanungan sa buhay. Sagot na mahahanapan lamang sa pagmamasid natin sa Kristong nakabayubay. Sapagkat ito ang atin din namang karanasan. Ito ang iyo, at aking karanasan. Sa tuwing titingin ako sa Krus, hindi ba’t ang nakikita ko ay ang aking sarili? Nahihirapan at nagtatanong. Nalulungkot, nag-iisa. Madalas, bigo at nagdurusa.
Sa katahimikan, waring nangungusap ang Diyos sa atin… sa tuwing pagmamasdan mo ang Kahoy na Krus, nakikita mo ang sugat niya, kasama ng mga sugat mo. Napagmamasdan mo ang kahirapan niya, kaisa ng mga kahirapan mo. Tinitingnan mo ang pagdurusa niya, kaugnay ng mga pagdurusa mo. Iyon ang kahulugan ng pananahan ng Diyos. Ang Diyos ng katahimikan na siyang namatay ng tahimik ay nangungusap sa atin sa katahimikan ng ating puso… “mahal kita… ginawa ko ito para sa iyo…”
Sa mga nakalipas ng araw tayo ay nanging abala at babad sa napakaraming bagay. Sa pagkakataong ito, samahan natin si Hesus na nanatiling tahimik sa gitna ng mga kaguluhang bumabalot sa kanya.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home