Friday, October 03, 2008

Sa Pagitan ng Ngayon at Kailanman

Minsan, may nagtext sa akin ng ganito. "Sino ba dapat ang pipiliin ko? Pero sino nga rin ang nagtatakda ng 'dapat' sa buhay natin? Kung yung bang gusto ko ay tama?" Hindi ko rin alam. Malamang wala rin akong nakahandang kasagutan. Iyan din ay tanong ko sa sarili. Sa pag-aasam na masagot ang katanungan, nakatagpo ako ng isang awit na puro tanong din. Marahil nakuha nito ang mga tanong na gusto ko rin tanungin...

Sa Pagitan ng Ngayon at Kailanman
Likha ni Gary Granada

Sabi nga..
Sana ang buhay laging tama o mali
At ang katanunga’y simpleng oo o hindi
Kung ganun dalangin kong ikaw ay mamalagi
Sa pinakatangi mong pinakamimithi

Ngunit paano kung ang hinahanap mong ligaya
Ay nagkataong nalaman mong naroon pala
Sa magkabilang mundong magsinghalaga sa iyo
Paano ba mananatiling totoo
Ang galak at dalamhati ay paano hahatiin
At paano ka pipili kung wala kang pipiliin
Ano ang gagawin ng pusong di mapagbigyan
Ang magkatunggaling pangako at pakiramdam
May isang paruparong paroroo’t paririyan
Sa pagitan ng ngayon at kailanman
Paano ka magpapasya, paano mo mapagkasya
Paano ba mapag-isa ang isa’t isa
Kung isang araw magtalo ang panata’t panaginip
At ang iisa mong puso minsan ay magdal’wang-isip
Sa kalagitnaan ng pag-asa’t pag-asam
Sa dulo’t bungad ng pinagtagpo’t natagpuan
Ibig kong alamin kung ang pag-ibig may puwang

Sa pagitan ng ngayon at kailanman
Ano ang sukatan, alin nga ba ang mas mabigat
Sa isang sugatan, ang tunay ba o ang nararapat

Kung isang araw maghalo..
Ano ang gagawin ng puso kong nahihibang
Na nalilibang, na nagigibang naninimbang
Sa pagitan ng ngayon at kailanman.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home