Misteryo ng Kanta
Nangyari na ba sa inyo ito minsan? Abala ka sa ginagawa mo. Biglang meron kang narinig na tugtog, matagal mo nang di narinig. Biglang tatayo ang balahibo mo, kasi meron kang naalala na nakaraan. pwedeng masaya, malungkot, masakit, nakakatawa, nakakahiya. Pwede ring blanko. Blanko kasi di mo alam at maipaliwanag ang pakiramdam. Nakakalito, maguguluhan kasi di mo maintindihan. Pero alam mong meron. Meron kang naramdaman. Meron pang pagkakataon na minsan, matagal mo nang nakalimutan yung pakiramdam, pero pag napapakingan mo yung kanta eh, biglang maalala mo yung feeling. Pag natapos yung tugtog, matatawa ka na lang sa sarili mo kasi dumaan yun sa buhay mo at nalampasan mo. Ang gara! hehehe.
Pero para sakin, depende pa rin yan sa pagkakaunawa mo sa kantang iyon. Kahit mala-
macarena ang beat eh, naiiyak ka kasi, yun pla ang sinasayaw nung namatay mong pinakamamahal na aso. Minsan naman, pinipilit mong itugma yung lyrics ng kanta sa kasalukuyang problema mo. Halimbawa, wala kang pera, ang sarap pakinggan ang "Mukhang Pera" ng the youth. O kaya naman pag nabasted eh, nakakawiling pakingan ang "I will survive". Kakantahin mo pa nang proud na proud sa videoke (sabay suntok sa pader.... t!@#$! bakit niya ako iniwan...) Minsan sa Rhythm din kasi naiinlove ka sa soundtrack ng mga koreanovela kahit di mo maintindihan ang lyrics. Wag mo sabihing di mo gusto ang ending song ng Voltes V eh, niloloko mo sarili mo nyan.
Parte kasi ng buhay ng tao ang musika. Bata ka pa lang, kinakantahan ka na ng magulang mo kahit di ka pa nakakaunawa. Kada maririnig ng mga magulang mo ang mga "oyayi" eh maaalala nila yung mga panahong hinehele ka pa lang nila kahit na may sarili ka na ngayong buhay at pamilya. Pag tungtong mo naman sa elementary eh pipilitin ka namang makabisado mo ang pambansang awit. Kailingan eh kasi pag hindi eh, face the wall ka sa klase kinabukasan.
Lahat may theme song. Palabas sa sine, sa simbahan, theme song ng mga adik, magsasaka, mga rebelde, estudyante, pulitiko, mga panget, mga inlab, mga sawi, tagumpay sa buhay, kalaswaan, at pati na rin mga tindera. (special offer day!) Malaki man ang ipinagbabago ng tugtugan kada taon eh, ang importante ay ang mga dumidikit na alaala sa mga ito.
Ikaw, ano ang mga kantang naalala mo ngayon?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home