Monday, February 12, 2007

Ngayong Gabi Aking Isusulat

ni Pablo Neruda (salin ni Maximo Macaraig)

(hayyy... pag ganitong Pebrero ganito ang nararamdaman ko. Hindi rin maiwasan, ngunit nagpapatuloy uminog ang mundo, at baka ako'y mapag-iwanan. Kaya't dito na lang. Marahil itong tula na ito ang makakapagsabi ng iilan sa mga gusto kong sabihin. Lintek... sana Abril na.)


Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula


Isulat halimbawa, "Ang gabi'y pira-piraso
at ang mga bituin ay nilalamig sa malayo."

Umiikot ang hangin sa langit . . . at umaawit

Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula
Minahal ko siya, at minsan minahal niya rin ako

Sa mga gabing tulad nito, hinawakan ko siya saking mga bisig
At hinalikan ng paulit-ulit sa ilalim ng walang-hanggang langit

Minahal niya ako, at minsan minahal ko rin siya
Paanong hindi mo iibigin ang mga tila niyang mata

Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula
Para isiping wala na siya sa aking piling, para maramdamang wala na siya

Para marining ang matinding liwanag, na mas matindi pa kahit wala siya
At ang mga berso'y nahuhulog sa damdamin na parang hamog sa damuhan

Ano ang dahilan at ang pag-ibig ko'y di sya kayang pigilan?
Ang gabi'y pira-piraso at wala siya sa tabi ko

Ito lamang. Sa malayo may umaawit. Sa malayo.
Ang damdamin ko'y di mapalagay na siya'y nawala na.

Ang paningin ko'y hinahanap siya na parang tutungo sa kanya
Ang puso ko'y hinahanap siya, at siya'y di ko kasama

Ang dating gabing nagliliwanag, ang dating puno
Kami, noong mga araw, ay hindi na ang dating kami


Hindi ko na siya mahal, tiyak yan. Ngunit kung paanong minahal ko siya!
Hanap ng aking tinig ang hangin upang madampi sa kanyang panrinig

Sa iba. Siya'y mapupunta sa iba. Tulad ng aking mga halik
Ang kanyang tinig, maaliwalas na katawan, malalim na mata

Hindi ko na siya mahal, tiyak yan. Ngunit baka mahal ko siya
Maikli ang pag-iibigan, mas matagal ang paglimot

At ito ang mga huling bersong isusulat ko para sa kanya
Dahil sa mga gabing tulad nito, hinawakan ko siya saking mga bisig

Ang damdamin ko'y di mapalagay na siya'y nawala na.

Kahit na ito ang huling sakit na idudulot niya sa akin

0 Comments:

Post a Comment

<< Home