Tuesday, August 18, 2009

May Araw Din Kayo!

(ewan ko pa kung hindi ninyo ito maintidihan)

Theres The Rub
By Conrado de Quiros
Philippine Daily Inquirer Editorial
First Posted 01:04:00 08/17/2009

Tatagalugin ko na nang makuha n’yo. Kahit na lingwaheng kanto lang ang alam kong Tagalog.

Tutal Buwan ng Wika naman ang Agosto. Baka sakali ’yung paboritong wika ni Balagtas ay makatulong sa pag-unawa n’yo dahil mukhang ’yung paboritong wika ni Shakespeare ay lampas sa IQ n’yo. Kung sa bagay, ang pinakamahirap gisingin ay ’yung nagtutulug-tulugan. Ang pinakamahirap padinggin ay ’yung nagbibingi-bingihan. Ang pinakamahirap paintindihin ay ’yung nagmamaangmaangan. Bueno, mahirap din paintindihin ’yung likas na tanga. Pero bahala na.

Sabi mo, Cerge Remonde, alangan naman pakanin ng hotdog ang amo mo. Bakit alangan? Hindi naman vegetarian ’yon. At public service nga ’yon, makakatulong dagdagan ng cholesterol at salitre ang dugong dumadaloy papuntang puso n’ya. Kung meron man s’yang dugo, kung meron man s’yang puso.

Bakit alangan? Malamang di ka nagbabasa ng balita, o di lang talaga nagbabasa, kung hindi ay nalaman mo ’yung ginawa ni Barack Obama at Joe Biden nitong nakaraang Mayo. Galing silang White House patungong Virginia nang magtakam sila pareho ng hamburger. Pina detour nila ang motorcade at tumuloy sa unang hamburgerang nakita nila. Ito ang Ray’s Hell Burger, isang maliit at independienteng hamburger joint.

Tumungo ang dalawa sa counter at sila mismo ang nag-order, hindi mga aides. Nagbayad sila ng cash na galing sa sariling bulsa at kagaya ng ibang customers ay pumila para sa turno nila.

Ito ay presidente at bise presidente ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Kung sa bagay, ’yung amo n’yo ay hindi naman talaga presidente. Di lang makita ang pagkakaiba ni Garci kay God kaya nasabing “God put me here.” Pekeng presidente, pekeng asal presidente.

Sabi mo, Anthony Golez, maliit lang ang P1 million dinner kumpara sa bilyon-bilyong pisong dinala ng amo mo sa bansa.

Ay kayo lang naman ang nagsasabing may inambag ang amo n’yo na bilyong-bilyong piso sa kaban ng bayan. Ni anino noon wala kaming nakita. Ang nakita lang namin ay yung bilyon-bilyong piso—o borjer, ayon nga sa inyong dating kakosa na si Benjamin Abalos—na inaswang ng amo n’yo sa kaban ng bayan. Executive privilege daw ang hindi n’ya sagutin ito. Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang di managot sa taumbayan? Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang magnakaw?

Maliit lang pala ang P1 million, ay bakit hindi n’yo na lang ibigay sa nagugutom? O doon sa mga sundalo sa Mindanao? Tama si Archbishop Oscar Cruz. Isipin n’yo kung gaano karaming botas man lang ang mabibili ng P1 million at karagdagang P750,000 na nilamon ng amo n’yo at mga taga bitbit ng kanyang maleta sa isa pang restawran sa New York.

Maliit lang pala ang P1 million (at P750,000), bakit hindi n’yo na lang ibigay doon sa pamilya ng mga sundalong namatay sa Mindanao? Magkano ’yung gusto n’yong ibigay sa bawat isa? P20,000? Sa halagang iyan 50 sundalo na ang maaabuluyan n’yo sa $20,000. Pasalu-saludo pa ’yang amo n’yo sa mga namatay na kala mo ay talagang may malasakit. Bumenta na ’yang dramang ’yan. At pasabi-sabi pa ng “Annihilate the Abus!” Di ba noon pa n’ya ’yan pinangako? Mahilig lang talagang mangako ’yang amo n’yo.

Bukod pa d’yan, saan ba nanggaling ’yung limpak-limpak na salapi ng mga kongresista na pinansisindi nila ng tabako? Di ba sa amin din? Tanong n’yo muna kung ayos lang na i-blowout namin ng wine at caviar ang amo n’yo habang kami ay nagdidildil ng asin—’yung magaspang na klase ha, ’di yung iodized. Ang tindi n’yo, mga p’re.

At ikaw naman, Romulo Macalintal, tapang ng apog mo. Maiisip mo tuloy na sundin na lang ang mungkahi ni Dick the Butcher sa “Henry VI” ni Shakespeare: “First thing we do, let’s kill all the lawyers.” Pa ethics-ethics ka pa, pasalamat ka di nasunog ang bibig mo sa pagbigkas ng katagang ’yon.

Marami mang sugapa rin sa aming mga taga media, di naman kasing sugapa n’yo. At di naman kami sineswelduhan ng taumbayan. Wala naman kaming problemang sumakay sa PAL at kailangan pang bumili ng P1.2 billion jet. Anong sabi n’yo, kailangan ng amo n’yo sa pabyahe-byahe? E sino naman ang may sabing magbabyahe s’ya? Ngayon pang paalis na s’ya—malinaw na ayaw n’yang umalis. Bakit hindi na lang s’ya bumili ng Matchbox na eroplano? Kasya naman s’ya ro’n.

Lalo kayong nagpupumiglas, lalo lang kayong lumulubog sa kumunoy. Di n’yo malulusutan ang bulilyasong ginawa n’yo. Para n’yo na ring inagaw ang isinusubong kanin ng isang batang nagugutom. Tama si Obama at Biden: Sa panahon ng recession, kung saan nakalugmok ang mga Amerikano sa hirap, dapat makiramay ang mga pinuno sa taumbayan, di nagpapakapariwara. Sa panahon ng kagutuman, na matagal nang kalagayan ng Pinoy, at lalo pang tumindi sa paghagupit ng Typhoon Gloria, dapat siguro uminom na lang kayo ng insecticide. Gawin n’yo ’yan at mapapawi kaagad ang kagutuman ng bayan.

Sa bandang huli, buti na rin lang at ginawa n’yo ’yung magpasasa sa P1 million dinner habang lupaypay ang bayan sa kagutuman—di lang sa kawalan ng pagkain kundi sa iba pang bagay—at pagdadalamhati sa yumaong Ina ng Bayan. Binigyan n’yo ng mukha ang katakawan. Katakawang walang kabusugan. Mukhang di nakita ng masa sa usaping NBN, mukhang di nakikita ng masa sa usaping SAL. Mukhang nakita lang ng masa dito sa ginawa n’yong ito. Sa pagpapabondat sa New York habang naghihinagpis ang bayan.

At buti na rin lang mayroon tayong sariling wika. Di sapat ang Inggles para iparamdam sa inyo ang suklam na nararamdaman namin sa inyo. Di sapat ang Inggles para ipakita sa inyo ang pagkamuhi na nararamdaman namin sa inyo. Di maarok ng Inggles ang lalim ng poot na nararamdaman namin sa inyo.

Isinusuka na kayo ng taumbayan, mahirap man sumuka ang gutom.

May araw din kayo.

Monday, August 17, 2009

Selfless Living

(Written August 6, 2009)


We buried my grandfather to his final resting place exactly a week ago. Lolo Tol (or Asti popularly known) was a city counselor in the 2nd district of Makati. He served 3 terms of being a counselor. One of his greatest contributions to the city was implementing the “No Smoking” in public places within Makati. Mayor Binay, asked him to make a resolution prohibiting smoking in public places and designating common smoking areas. And yet, he died of lung cancer.

During the eulogy, my Tito told about the pain he felt for Lolo’s passing. He told us the story.
“Alam ninyo, malaki ang tampo namin sa Papa… dahil matagal siyang nawala sa amin dahil sa paglilingkod sa tao, sa inyo. At noong matapos na ang kanyang termino bilang konsehal, bumalik siya sa amin na mahina at may sakit na. Halos lahat ng oras niya binigay niya sa taong bayan. At iniwan kami…”

Then he continued his story about my Lolo’s pain.
“Alam ninyo rin, malaki ang tampo ng Papa sa simbahan. Yung simban natin sa Pembo, dati basketball court lang iyon, pero si Papa ang nag-ayos para doon itayo ang simbahan natin. Hanggang ngayon, sa kanya pa rin nakapangalan ang kuntador ng kuryente. Pero noong magkasakit si Mama, nanghingi kami sa simbahan ng tulong para mabasbasan man lang sana si Mama bago mamamatay. Ang sinabi ng pari sa amin, wala daw silang mapapdala dahil marami silang ginagawa. At noong mamatay si Mama, humingi kami ng tulong para man lang ma-misahan si Mama, pero kulang daw sila ng pari. Tapos noong kumuha naman kami ng pari sa labas, nagalit naman sa amin na dapat daw magpaalam muna bago magmisa yung inimbitahan naming pari. Kaya simula noon, hindi na nagsimba sa parokya si Papa. Doon siya sa malayo…”

“Marami natulong si Papa sa mga tao, hanggang sa talikuran niya ang sariling pamilya para maglingkod sa taong bayan. Noong nawala siya sa kapangyarihan, ang mga tao unti-unti na rin nawala. Kaya sabi ng Papa… pag namatay ako, wag ninyo ako iburol sa atin. Doon ninyo ako iburol sa malayo. Hayaan natin kung sino lang ang makaalala…”

My Tito spoke in a small room full of people, but it was relatively small room. I asked myself “where are the other nine?” Is this the price of offering your life for the sake of the people?

=====

Yesterday, I joined the Filipino people who said goodbye to Tita Cory. The night before that, I braved the rains and the long lines just to take a glimpse and say goodbye to a leader whom influenced me so much. I remember one time, after the Jun Lozada mass which I served as an Acolyte she invited us to have lunch in their house in Green Meadows. The family was there (except for Kris) and I had the chance to break bread with the well known Senator Noynoy, Aquino and exchange stories with Tita Pinky whom I found so welcoming and bubbly. And of course, I had the chance to exchange stories with Tita Cory.

Walking all the way from Intramuros to Manila Memorial Park is just my own way of thanking her and showing my love to a leader and a president who have showed integrity, consistency, courage and deep faith.

After her death, The Philippine Daily wrote in their headline “A great gift we lost”, but I say “A great gift we had” because her legacy will continue as I myself, will carry out her mission in the things that I can. In the words of Fr. Catalino Arevalo, SJ said in his homily during the funeral mass “Thank you Father in heaven, for your gift to us of Cory Aquino. Thank you that she passed once this way through our lives with the grace you gave her to share with us. If we give her back to you, we do it with grateful hearts, but now, oh, with breaking hearts also, because of the greatness and beauty of the gift which she was for us, the gift you have now taken back to yourself; a gift the like of which, perhaps, we shall not know again. Salamat po, Tita Cory, mahal na mahal po namin kayo.”

======

Do we know a selfish person who is really happy? These two lives, two different stories, one common similarity which is forgetting oneself and offering their lives to other people. When we try to live as if our lives are about ourselves, we either end up too full of ourselves or too empty of everything else, inflated or depressed. Put simply, we either end up dying in selflessness on one hill or we end up full of ourselves and self-hatred on some other hill!

There is a reason for this. We are made in God’s image and likeness and, because of this, carry inside of ourselves an immense fire; a fire for love, creativity, glory, greatness, and transcendence. But that deep, restless, insatiable, burning energy is not simply a chaotic one, as Freud believed. It’s a configured energy, an energy arranged in clear, meaningful patterns. We burn with fire, but it is a fire with meaning, purpose, and direction.

What is its meaning? It is a fire to carry others, feed others, and create delight for them, even as it is an energy to die for them. It is a fire to act as Jesus did and therefore it is a fire for crucifixion, for martyrdom. We are born to live for others and we are born to die for them, with one and the same energy, and we are only happy when we are about the business of doing both.

This is the deep instinctual pattern written into the soul itself and it posits that real maturity lies in being stretched truly tall, on some cross, in crucifixion.

Saturday, August 01, 2009

Maraming Salamat, Tita Cory!

A Tribute To Corazon Aquino (1933 -2009)