Ika-5 Linggo ng Kwaresma
Montalban, Rizal
Noong mga nakaraang linggo, namayagpag ang balita tungkol kay Lea Salonga at sa mga Pilipinong may angking talino sa pag-arte sa entablado. Batid ko ang lahat ng Pinoy ay kilala si Lea Salonga, lalo na sa pagganap niya bilang Fantine sa dulang Les Miserables. Isa sa mga paborito kong dula ang Les Miserables. Ang buod ng kwento ay umiikot sa panghunahing tauhan na isang magnanakaw na si Jean Valjean, isa sa mga tagpo ng dula ay pagtakapos makalaya ni Jean Valjean mula sa labing siyan na taong pagkakakulong sa sala ng pagnanakaw ng tinapay at ilang pagtatangkang tumakasa sa kulungan, ay nakilala niya ang isang obispo na si Monsignor Myriel. Pilit mang kalimutan ni Jean ang nakaraan ngunit hindi matakasan ang kanyang masamang kahapon. Isang gabi, pagktapos patuluyin ni Monsignor Myriel si Jean, bilang ganti sa kandahang loob ng obispo ay ninakawan niya ito ng mamahaling kubyertos na pilak. Nahuli si Jean Valjean ng mga pulis at dinala ito sa obispo. Sa halip na husgahan ng obispo si Jean dahil sa kanyang pagnanakaw, sinabi ng Obispo sa mga pulis “kaibigan ko siya… at ang lahat ng kinuha niya ay aking regalo sa kanya, hindi niya ito ninankaw… at may nakalimutan pa siyang dalhin.” Sa kagandahang loob ng obispo, nakumbinse niya si Jean na magbagong buhay at dahil sa pagpapatawad na ito, nagsimulang namuhay si Jean ng maayos at may malaking pagbabago.
May angking kapangyarihan ang pagpapatawad, may kakaibang taglay ang hindi paghatol. Sabi nga ng isang pilosopong banyaga na si Paul Ricoeur "may kakayahang ito na magpabago sa isang taong may kasalanan at gawin siyang isang bagong tao. Isang pagpapatawad na nagbibigay sa atin ng pag-asa. Kayang tawirin ng lawak ng pagpapatawad ang lalim ng kasalanan. Ginagawa ng pagpapatawad na gawing bago ang lahat.
Mga kapatid, sa mabuting balitang ating narinig sa umagang ito ang babaeng nahuling nakikiapid. Dinala ng mga pariseo kay Hesus ang babae at tinanong nila si Hesus tungkol sa batas ni Moises kung saan sinasabi na ang babaing mahuling nakikiapid ay babatuhin, ngunit wala naman sinasabi na ito ay babatuhin hanggang mamatay. Makikita natin na medyo baluktot ang pangagatwiran ng mga pariseo tungkol sa batas ni Moises, para mapapatay nila ang babae. Ngunit sa isang malumanay na paraan nagwika si Hesus “ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ay siyang maunang bumato sa kanya.”
Kung titignan natin ang ating mga sarili, tayo rin mismo ay mga taong may kasalanan. Walang sinuman dito ang makakatayo sa harap ng altar at sabihing “ako! Wala akong kasalanan.. malinis akong tao”, bagkus na magmalaki tayo ay mapagkumbabang humihingi ng awa. Hindi naman rin madaling magpatawad, lalo na kung tayo ang nagawan ng kasalanan. Minsan maririnig natin sa iba “walang pag-asa na iyon at napakahirap gawin at hindi kayang gawin dahil sa huli wala naman magbabago. Ngunit sa umagang ito inaanyayahan pa rin tayong magpatawad, magpatawad at patuloy na magmahal.
Sinasabi rin sa unang pagbasa natin ngayon ang may isang pagbabago at pagtubo na maaring mangyari sa pagpapatawad. Ang sabi ni Propheta Isaias “ang mga nangyari noong unang panahon, ilibing n asa limot, limutin na ngayon. Narito at masdan ang nagawa ko’y isang bagong bagay na hanggang sa ngayo’y di mo namamasdan. Ako’y magbubukas ng sang landasin sa gitna ng ilang” Sa parehong paraan ng pag-asam ni San Pablo sa ikalawang pagbasa na may “paglimot ng nakaraan” at “sikaping makamtan ang nasa harap” sa pagpapatuloy ng upang makamtan ang “gantimpala ng pagkatawag sa atin ng Diyos.”
Ang pagpapatawad ay may angking kapangyarihan, kaya nito gawing bago ang nakaraan nating tila walang kapag-a-pag-asa, sa pagpapatawad inaanyayahan tayong magsimula muli, isang panibagong bukas – dahil tayo mismo ay pinatawad – at dahil sa mas malalim na dahilan ng pagmamahal ng Diyos sa atin. Walang nangahas na magpukol ng bato sa babae, at si Hesus din ay hindi niya hinatulan ang babae ganyung alam niya na nagkasala ito. Bagkus, binigyan pa niya ang babae ng lakas na makapagpabago at huwag na muling magkasala. Sa pagpapatawad ng babae, dahil na rin sa kanyang awa at pagmamahal, nalagpasan pa ni Hesus ang katarungan. Sa paraang ito, sinisimulan niyang wasakin ang “mga pamantayang makasalanan” na kinamumulatan ng babaing nakiapid, ng mga eskriba at pariseo. May angking kapangyarihan ang pagpapatawad, may kakayahang ito na magpabago sa isang taong may kasalanan. Isang pagpapatawad na nagbibigay sa atin ng pag-asa. Ito ang nangyari sa kwento ni Jean Valjean sa Les Miserbles. Maari ito rin ang ating magiging kwento kung tayo ay magsisi at kung tatanggapin natin ang awa at pagmamahal ng Diyos.
Sa linggong ito, inaanyayahan tayong tignan ang ating mga sarili, at tanungin ano o sino ang kasalanan nagawa (o ginawa sa atin) pinaka mahirap ang pinaka mahirap patawarin? Nakapaghatol ba ako sa aking kapwa sa harap ng mga tao? Humingi tayo ng isang pusong mapagkumbaba upang ihingi ng tawad ang ating mga nagawa nating kasalanan, at gayundin isang biyaya ng lakas ng loob at maawaing puso upang mapatawad natin ang mga nagkasala sa atin. Sapagkat tayo rin ay minsan nagkasala at pinatawad ng Diyos. Amen.