Sunday, July 30, 2006

Salamin

Salamin ang tawag mo
sa mga mata kong
lagi mong hinahanapan
ng iyong anyo.
Masaktan ka kaya
kung sa muli nating pagkikita
wala na ang repleksiyong
gustong-gusto mo?
Pasensya ka na,
nailuha ko na yata,
nang minsan mapuwing
ang aking mga mata.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home