Sunday, April 08, 2007

Ito ang Gabi

Buhay ang Panginoon. Narito tayo at nagdiriwang sa gitna ng liwanag, sa samyo ng insenso, sa isang magandang liturhya, umaawit ng "Alleluya… si Kristo ay muling nabuhay," sa tugtog ng kampana. Ang lahat ay parang bago, nakakapagpaangat ng diwa’t damdamin. "Magalak ang Panginoon ay muling nabuhay.” Ngunit itinatanong ko, ano nga ba ang kinalaman nito sa katotohanan ng ating buhay. Sabi ng isa kong kaibigan na hindi naniniwala, “kuuh, lahat ng pinaggagagawa ninyo ay kaek-ekan lang."

At iniisip ko, may katuwiran kaya siya? Heto tayo at nagagalak, samantalang maraming tao sa oras na ito ang nagugutom at namamatay dahil sa digmaan. Masaya tayong lahat ngayon, pero ang ilan sa atin pag-uwi sa bahay mamaya, makikita na naman ang kanilang mister na lasing at hindi nakasama sayo rito dahil hindi interesado sa ka-ek-ekang ito. Daratnan mo ang anak mong tulog, na walang panahon sa simbahan, pagod sa maghapong barkada at telebabad. Ang ibig kong sabihin, matapos ang lahat ng ito, sa Lunes papasok ka na naman sa trabaho, para harapin ang parehong problemang iniwan mo bago magbakasyon. Makikita mo na naman ang kinaiinisan mong katrabaho. Aber, puwede ka bang pumasok sa Lunes sa trabaho at pagkababang-pagkababa ng bag mo sa trabahuhan mo, subukan mong isigaw sa buong pabrika… “Magalak..muling nabuhay si Kristo.” Sigurado ako, sasabihin nila, ‘tingnan mo yan, apat na araw lang nagbakasyon tinopak na ang ulo'.

Ano ng ba ang kinalaman ng ipinagdiriwang nating ito sa katotohanan ng buhay? Sigurado ako sa mga oras na ito, libu-libong mga bata sa Maynila ang nagpapalimos pa rin, at natutulog sa mga karton ng gatas sa kalye. Pagkatapos ng gabing ito libu-libong mga kabataan pa rin ang napupuwersang magbenta ng laman para sa kaunting halaga ng salapi. Sigurado ako sa gabing ito habang tayo’y nagsasaya, ilang puso ang sugatan sa paghihiwalay nila sa kanilang asawa? Lahat ng aking binabanggit ay masaklap. At di puwedeng itanggi, lahat ng ito ay totoo.

Tanungin natin: Ano nga ba ang idinadagdag ng pagkabuhay ni Kristo sa atin mga buhay. Isa sa pinakamahal at pinakamalaking pelikula sabagay sa buong kasaysayan ng pelikula, ay ang Lord of the Rings ni R.R. Tolkien. Naalaala ko pa ang isang magandang eksena dito habang nag-uusap ang dalawang bida, si Gandalf – ang wizard at ang unanong bayani na si Frodo. Sa lahat ng tao, pinili ang unanong si Frodo para manguna sa pakikipaglaban sa kasamaan. At ang sabi ni Frodo kay Gandalf, “Sana hindi na ito nangyari sa aking kapanahunan. Sumagot si Gandalf, “Yun din ang iniisip ko at yun din ang iniisip ng lahat ng taong nabubuhay sa ganitong kapanahunan. Pero wala sa kanila ang kapasyahan. Ang tangi nating mapagpapasyahan ay kung ano ang ating magagawa sa panahong ibinigay sa atin.

Araw-araw, may pangyayaring dumarating sa atin buhay na lagpas sa ating mga kagustuhan. Isang anak na sa kabila ng maraming pagmamahal na iyong ipinakita ay nalulong sa masamang gamot. Isang asawa, na sa kabila ng iyong katapatan, ay nagawa kang ipagpalit sa iba. Isang anak, na sa kabila ng ginastusan mo para makapagtapos ng pag-aaral ay mabubuntis lamang at sasama sa kung sinong lalaking ni hindi mo kilala. May mga tanong ang kapanahunan na hindi natin mahanapan ng sagot. Bakit kailangang masunog ang aming bahay o mawalan ng trabaho ang aking Tatay sa gitna ng aming kahirapan? Bakit ang aking nag-iisang anak pa ang kailangang magkaroon ng kanser? Bakit patuloy na namamatay ang maraming tao sa kahirapan at digmaan? Ang nangyayari sa araw-araw kadalasan ay lingid sa ating kaalaman, lumalagpas sa ating sariling kalooban. Wala sa atin ang kapasyahan.


Pero sa kabila ng lahat, mayroon akong puwedeng pagpasyahan. Ako ang magpapasya kung ano ang aking gagawin sa panahong ibinibigay sa akin. Ganito rin ang idinadagdag ng ating pagdiriwang sa gabing ito. Si Kristo ay muling nabuhay. AT sa kanyang pagkabuhay, ang ibinibigay sa atin ay totoong pag-asa. At ang tanda ng isang tunay na ssumasampalataya sa muling pagkabuhay ay ito: Sa kabila ng mga pangit na nangyayari sa ating buhay, nakakakita pa rin tayo ng kahulugan. Ang makasumpng ng kabuluhan, ay bahagi ng pag-asang ibinibigay ng muling pagkabuhay ni Kristo. Katotohanan Na sa huli, masaklap man at mahirap ang mabuhay, meron tayong hinihintay. Isang muling pagkabuhay rin at kaluwalhatian sa sinumang nagtiyaga at nanampalataya.

Ang gabing ito ay kakaiba sa lahat ng mga gabi. Sa gabing ito, bibinibigyan tayo ng isang bagong pag-asa. Pag-asa na nagmumula sa isang pagtatagumpay na pagkatapos ng lahat ng hirap at pasakit, may luwalhating naghihintay. Sa gabing ito, pinakita sa atin ang isang dakilang pagmamahal, isang malawak at malalim na pagmamahal. Sa gabing ito nanalo ang liwanag sa kadiliman, nanaiig ang kabutihan sa kasamaan. Sa gabing ito, winasak ang kamatayan at napagtagumpayan. Ito ang gabi, ang pagkabuhay ng ating Manunubos.

Saturday, April 07, 2007

He is Risen!

Why do I believe in the risen Lord? Not because I have seen him, but because other told me of him. My parents, teachers, friends, as well as preachers, speakers and writers. Because of them I believe.

Why is this night different from all other nights? It is because in this night, in Him we overcome death. He is risen! We talk about church conflicts and problems, but a simply direct announcement of the resurrection is seldom heard, except in pulpits and other "safe" places. But just as our love for others grows cold when we no longer declare this love to them, so our faith in the risen Lord gradually fades if we remain silent about him.

We have to keep saying to each other, "The Lord is risen! Risen indeed!" It is not enough to say that once or twice. We need to say it to each other constantly so that our faith in the risen Christ can be kept alive and we can live that faith always more deeply.

Engulfing Silence

I feel orphaned today.

Words are important to come close, but too many words create distance. I feel an increasing desire to be silent today. Not every event has to be told, not every idea exchanged. And let those things flow and let the silence speak from all the confusion within, to give light into this hazy road ahead of me.

I never listened to gossips, nor believed the news that has been going around. I have to see with my own eyes and in order for me to believe. Now the moment has come for me to stop and accept that yes it was true.

My mentor, spiritual director and a friend left already the society and maybe in the future from presbyterial ordination. It was he who guided me for the past 3 years of my life. It was he who fortified and strengthen my desire to serve. Whenever I doubted Him, it was he who showed me that its reasonable to believe, it was he who showed the power of His love to me. He showed me a God who is compassionate, forgiving, merciful, kind, caring and loving. Now, in this few moments of silence am I savoring the treasure of his person, as well as all of those things he taught me.

At first his leaving made me question the very core of my commitment. Doubting the my capability to fulfill it. Here is a person who has spent almost 24 years in the society, pronounced his final vows a year ago and yet decided to go out after so many years. I remember those things he told me when I was having difficulty, does it make him less credible? I believe not. I still believe that what he said is real, all of those things are coming from experience. He had been been discerning for the past years, and this decision gave him peace. He wasn't sad at all when he left, but you can sense that he had peacefulness and joy in his heart. For he had wrestled with that question, and he found the answers that he was seeking. All of those things he told me came from his personal struggles within. And that peacefulness is all what we are trying to seek, and wanted to have. He has chosen, and was happy about it.

I have to move on... alone. With all of the things he told me, he made me to be prepared for this. The inevitability of one's demise is a sign that we are totally dependent on Him alone, that His love and His grace is sufficient enough. As I walk in this shadowy, uncertain and cloudy road on my own, I carry all those things that he taught and showed me. Though I never had the chance father to say this to you, but thank you for all the things you have done for me. I will keep those wherever I go.

Friday, April 06, 2007

Isang Tao para sa Ibang Tao

(pagninilay sa Huwebes Santo)

Paano nga ba ang maglingkod? Paano nga ba ang maglaan ng buhay para sa iba? Kanina habang pinapanood ko ang muling pagsasadula ng paghugas ng paa ng mga alagad sa misa ngayon araw, ito ang nangibabaw sa akin. Isang pagsasalarawan kung paano nga ba talaga ang maglingkod. Hindi ko rin kasi alam kung kulang pa ang aking ginagawa. Pero kanina sa misa, naramdaman ko ang isang pagkapagod. Minsan pala nakakapagod ang maglingkod, minsan din nakakapagod ang magmahal. Sa araw na ito, ipinapakita lang sa akin siguro ang isang paraan ng paglilingkod at pagmamahal.

To be a man for others
. Ang ilaan ang sarili para sa kapwa-tao ay di nalalayo sa tema ng ating pagdiriwang ng mga Mahal na Araw, anupa’t sa liturhiya natin sa gabing ito. May larawan pa bang higit na gaganda? Sa larawan ng isang Diyos, isang haring yumuyukod na parang alipin, lumuluhod sa lupa upang hugasan ang ating nagpuputik na mga paa na simbolo ng ating kadustaan. Sa mga sulat ni San Pablo sa mga taga Filipos, sinsabi niya: Huwag hanapin ng isa’t isa ang ikabubuti ng sarili kundi ang ikabubuti ng iba. Tularan si Kristo na bagaman Diyos, tinalikdan ang sarili, naging mistulang alipin at tumulad sa mga tao. Sa anyong tao ay nagpakababa siya at sumunod hanggang kamatayan; oo, hanggang kamatayan sa krus.

Ang ipinagdiriwang natin sa gabing ito ay ang kahulugan ng dakilang pagpapakasakit na ipinapakita sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa-tao. Isang dakilang pag-ibig ng isang Diyos na nagmahal sa tao - hinanap hindi ang ikabubuti ng sarili kundi ang ikabubuti ng iba.

Sa mga nakapanood ng Got To Believe na pelikula ni Claudine Barretto at ni Rico Yan, iyon din ang itinatanong ni Claudine kay Nikki, di ba? Sabi niya, “Ano nga ba ang mas mahirap gawin, ang mahalin ang taong nagmamahal sa iyo o umasang mahalin ka ng taong minamahal mo?” Palagay ko, walang pinagkaiba ang dalawang ito. Ang magmahal at umasang mahalin ay parehong bahagi ng katuturan ng umibig. At ang tila itinatanong talaga ng dalaga ay ito: Bakit laging may kasamang paghihirap ang magmahal?

Bakit nga ba masakit ang magmahal? Sabi ni Scott Peck, isang sikologong manunulat: Ang pag-ibig ay hindi isang damdamin. Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi ito yung kilig na nararamdaman mo kapag nakikita mo yung minamahal mo. Hindi ito yung parang pinipiga ang puso ko kapag katabi ko ang aking nobya o nobyo. Ni hindi ito yung selos na nararamdaman mo pag may kasama siyang iba o kapag nagsusuot siya ng maigsing palda at ayaw mong makita ng ibang lalaki. Hindi pa ito ang sukdulan ng pag-ibig. Sapagkat ang anumang damdamin ay kumukupas sa panahon. Tumatanda ang tao, nawawala ang kilig, ang selos humuhupa. At kung ang damdamin ay kumupas na at nawala, may isang bagay pa rin ang nananatili. Ano ito? Ang kagustuhan mong magtaya. Sa kabila ng wala nang damdaming nag-aalab, handa ka pa ring lagpasan ang iyong sarili para sa ikabubuti ng ibang tao. Iyon ang pag-ibig! At iyon ang dahilan kung bakit ang magmahal ay laging mahirap, laging masakit.

At hindi ba naranasan mo na rin? May mga pagkakataon na kahit gusto mong bumili ng bagong damit, pero dahil may babayaran ang anak mo sa eskwelahan, itatabi mo na lang yon para sa kanya. Kahit pa nga iyon ang pinakasutil at pinakamatigas ang ulo sa mga anak mo. O kahit niloko ka na nga ng kaibigan mo, ikaw pa rin ang nagpapatawad at umuunawa sa kanya. O minsan, kahit nakakatamad pumasok sa eskwela o sa trabaho, o nakakatamad magsimba dahil mas masarap manood ng TV, papasok ka pa rin, magsisimba ka pa rin dahil alam mong iyon ay may halaga sa buhay mo. Walang mainit na damdamin, pero may kakabit na halaga. Iyon ang pag-ibig! Kung kaya nga sa lahat ng atas ng ating Panginoon, isa sa pinakamahirap ay ito: mahalin mo ang iyong kaaway.

Ang pag-ibig ay hindi lang tumutukoy sa mga relasyon. May pag-ibig din sa gawain mo araw-araw; may pag-ibig kasama ng aking trabaho; may pag-ibig kaakibat ng aking panunungkulan at pagtitiyaga sa aking mga responsibilidad.

Minsan, dumalo ako sa 40 taong anibersaryo ng kasal ng mga magulang ng isang kaibigan na parang magulang ko na rin. Tinatanong ko ang Nanay niya, “Nay, ano ba ang nararamdaman ng isang nagdiriwang ng 40 taon ng kasal? Masaya ba?” “Masayaaa?!” sagot niya, “Hindi ko alam! Kaninang umaga nagising ako at tinitingnan ko ang Tatay mo. Kulubot na ang mukha, amoy tabako, wala nang ngipin at wala na ring buhok. Itinatanong ko sa sarili ko, “Bakit nga ba ang lalaking ito ang aking pinakasalan?” Alam kong nagbibiro siya. Pero ang sinasabi yata niya ay ito: Paglipas ng 40 taon, anumang damdamin ay nababago at kumukupas. Kung ikaw ang tao na ibinabase ang pag-ibig sa mga damdaming naglalaho at nababago, darating ang panahon na ikaw ay kukupasan din ng pag-ibig – kukupasan ka rin ng pagmamahal. Pero ang tunay na pag-ibig ay matibay at nanatili. Kung gayon, ang pag-ibig ay di nakabatay sa pandama. Ito’y isang paninindigan - pagtataya, isang mulat na pagpili ng nakabubuti para sa iba, pagpaparaya ng sarili, taimtim na pag-asa, at ang matiyagang paggawa ng tungkulin at gawain araw-araw.

Palagay ko, ito ang kakulangan sa maraming naglilingkod sa ating lipunan: isang pag-unawa ng Kristiyanong pagmamahal. Marami sa kanila ay naghahanap lang ng sarap ng damdamin kapag pinupuri na sila ng kanilang mga tagahanga. Umaasa lang sa sarap na ibinibigay ng kapangyarihan. Naghihintay lang ng layaw ng buhay na tinatamasa ng nakaupo sa panunungkulan. Marami sa kanila ay nabubulagan sa kung ano ba ang tunay na kahulugan ng paglilingkuran.

Sa gabing ito, narinig nating winika ni Hesus sa Ebanghelyo matapos hugasan ang mga paa ng kanyang mga apostoles: Binigyan ko kayo ng halimbawa upang gawin din ninyo ang ginawa ko sa inyo…Kayo man ay dapat maghugasan ng paa ng isa’t-isa. Ilang taludtod pa ng Ebanghelyo ni Juan, idinurugtong niya: Ito ang atas ko: Magmahalan kayo. Itinuturo sa atin ni Kristo ang malalim na kahulugan ng isang pagmamahal na ang kahulugan ay paglilingkod. Isang pag-ibig na handang itaya ang sarili para sa iba.

Ngunit bukod sa usaping iyon, sa gabing ito, bakit hindi rin natin itanong sa ating mga sarili ang kahalintulad na tanong “Ano nga ba ang isang maigsing buhay sa lupa kung ihahalintulad sa buhay na walang hanggan sa kabila?” Sa isang tunay na nagpapakasakit para sa iba at nagmamahal, may karangalang naghihintay sa kabila.
At iyon ang pangako: ang buhay na walang hanggan kapiling ng Diyos.

Mahal na Araw

May kinukubling kasinungalingan
ang mga hardin ng mundo.

Hindi mapagkakatiwalaan
ang masiglang pamumukadkad
ng mga punong-lila
nagkukulay kwaresma
sa kanilang mabigat na ganda.

Bawat bulaklak ay bintana
kung saan masisilip
ang mapupugay na pagpapaalam
ng mga magkasintahan.

Umaawit ang mga sanga: Oo!
Umaawit ang mga dahon: Umibig ka pa!
Tumitili ang mga bulaklak:
hindi maari.

Sino ang paniniwalaan
sa nagsasalungat na mga tinig?
Saang sulok matatagpuan
ang lihim na kaisahan?

Sa paanan ng punong-lila
nagtapatan tayo:
nangako ng kinabukasan
sa isa't-isa.
At naging bagong bulaklak
ang ating pagsinta.
Sumibol, bumuka,
binuksang bintana
kung saan nagpapaalam
ang mga magkasintahan
sa gitna ng kwaresma.

Banal na Katahimikan

(para sa linggo ng palaspas)

Noong nakaraang Linggo, nagpunta ako sa Baguio upang samahan ang ilang mag-aaral sa kanilang pagreretiro. Kakaiba ang retirong ito sapagkat ito ay ginagawa ng tahimik. "Silent Retreat" ika nga, karamihan kasi sa atin ngayon ay hindi sanay sa katahimikan, o ayaw ng tahimik. Ngunit kakaiba rin ang karansan sa gitna ng katahimikan.

Ngayon mga kapatid, pumapasok tayo sa Semana Santa, ang pinaka banal na panahon ng simbahan. Sa ating mga pagbasa ngayon ito ay patungkol sa pagpasok ni Hesus sa Jerusalem kung saan ang mga tao ay nagsisigawan “ Hossanna! Pagpalain ang dumarating sa pangalan ng Pagninoon!” Pinupuri nila at pinangangaralan si Hesus. At sa ating Ebanghelyo ngayon kung saan matatagpuan natin ang papakasakit ng ating Panginoon, ang mga tao’y sumisigaw ng “ipako siya sa krus!”. Sa dalawang kwento may isang bagay na kapansin-pansin – sa gitna ng mga kaguluhan ng mga tao ay nanatiling tahimik si Hesus.

Sa pagpasok ni Hesus sa Jerusalem, hinahangaan nila si Hesus, sa kanyang pagpapagaling sa mga may sakit, pagpapahayag, pagpapalayas sa demonyo at pagbuhay sa mga namatay na. Pero sila rin ang mga tao na sumisigaw ng “ipako siya sa krus!” Tinalikuran siya, nilibak at hinamon na bumaba siya sa krus.

Sa parehong tagpo, ay naging maingay ang tao. Matindi ang mga lumabas sa kanilang damdamin – kasiyahan at pagtanggap , poot at pagdududa. Pero sa gitna ng mga pangyayaring ito, nanatiling tahimik si Hesus. Ang katahimikang ito ni Hesus ay hindi nangangahulugan ng takot o kahinaan. Sa katunayan pa nito, ang kanayang katahimikan ay higit na naririnig kaysa mga ingay ng mga tao. Sa kanyang katahimikan, ay taglay ang kanayang kabanalan, at kabutihan na sumisikat ng lubos. Ang kanyang katahimikan ay naging lakas niya at rurok ng kanyang tapang upang harapin ang kamatayan para matupad ang kalooban ng Ama. Ito ang banal na katahimikan ng Diyos. Sa kanyang katahimikan, naroon ang mapangligtas na pag-ibig ng Diyos na isinisigaw para marinig ng lahat.

Mga kapatid, ang Linggong ito at ang mga susunod pang mga araw ay nag-aanyaya sa atin para sa katahimikan. Karamihan sa atin ngayon marahil ay nasa bakasyon na… tila nakaka-inganyong magliwaliw, mamasyal, pumunta sa beach, magsaya o para sa iba, mag-ingay naman. Sa halip, tayo ay inaanyayahang huminahon, huminto, magpakalumanay, mangilin, mag-ayuno, at higit sa lahat magnilay-nilay at manalangin.
Ang Linggo ng Palaspas at ang Semana Santa ay naangkop na panahon sa isang taon na kung saan pakinggan naman natin si Hesus. Ang mensaheng hatid niya sa atin, kung ano ang nararapat nating gawin sa ating buhay. Hindi natin maririnig ang kanyang mensahe sa ingay. Oo mga kapatid, sa katahimikan may ilang bagay tayo na matatagpuan… at harinawang iyon naman ang magbigay ng sagot sa pinakamalalalim nating mga katanungan sa buhay. Sagot na mahahanapan lamang sa pagmamasid natin sa Kristong nakabayubay. Sapagkat ito ang atin din namang karanasan. Ito ang iyo, at aking karanasan. Sa tuwing titingin ako sa Krus, hindi ba’t ang nakikita ko ay ang aking sarili? Nahihirapan at nagtatanong. Nalulungkot, nag-iisa. Madalas, bigo at nagdurusa.

Sa katahimikan, waring nangungusap ang Diyos sa atin… sa tuwing pagmamasdan mo ang Kahoy na Krus, nakikita mo ang sugat niya, kasama ng mga sugat mo. Napagmamasdan mo ang kahirapan niya, kaisa ng mga kahirapan mo. Tinitingnan mo ang pagdurusa niya, kaugnay ng mga pagdurusa mo. Iyon ang kahulugan ng pananahan ng Diyos. Ang Diyos ng katahimikan na siyang namatay ng tahimik ay nangungusap sa atin sa katahimikan ng ating puso… “mahal kita… ginawa ko ito para sa iyo…”

Sa mga nakalipas ng araw tayo ay nanging abala at babad sa napakaraming bagay. Sa pagkakataong ito, samahan natin si Hesus na nanatiling tahimik sa gitna ng mga kaguluhang bumabalot sa kanya.

Have a Great Break

Girls, be careful.
This is a funny coke light advertisement. I think drinking coke light could quench your thirst and also can extinguish the "heat" inside. Watch this and you would know what I mean. Have a great break!


Thursday, April 05, 2007

LSS this week

Last Chance

This is my last dance with you
This is my only chance to do
All I can do
To let you know that what I feel for you is real
So real
This is the last chance for us
This is the moment that I just
Can not let end
Before I know that there's a chance we're more than friends
So don't let go
Make it last all night
This is my last chance to make you mine
I kept my feeling so deep
I kept my dreams of you and me
Somewhere inside
Although I prayed that you would see it in my eyes
But this is my last chance to say
What's in my before you fade
Out of my life
And never understand the way I feel inside
So hold me close
So don't let go
Cause it feels so right
This is my last chance to make you mine
Make this dream reality
So close and yet so far
Gotta find a way into your heart
Gotta speak my mind
Gotta open up to you this time
I can't let you slip away tonight
This is my last dance with you
This is my only chance to do
All I can do
To let you know that what I feel for you is so real
So don't let go
Just make it last all night long
This is my last chance to make you mine
To make you mine